Bawat isang nilalang ay hinahangad na maging masaya sa buhay. Kahit mga hayop o halaman ay may karapatang maging masaya sa kanilang buhay. Katulad na lamang ng isang lamok, masaya ang lamok sa pagsipsip ng dugo ng tao kahit na alam naman natin na maaaring taglay nya ang isang sakit tulad ng dengue o malaria. Eh dun sya masaya eh! ang tanging magagawa lang natin ay hampasin ang lamok na dumapo sa atin para hindi na makapagkalat ng sakit. Kawawang lamok tapos ang kaligayan (awww). Sa mundo naman ng halaman ay nakakalungkot isipin na ang masayang pamumuhay ng isang puno ay tatapusin na lamang dahil sa ginagawang road widening ng DPWH. Sa Buhay ng tao, ano kaya ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin?
Noong mga bata pa tayo ay natutuwa tayo kapag pinasalubungan tayo ng ating mga magulang ng Happy Meal galing sa McDo. Sa pangalan pa lamang ng pasalubong ay tiyak na magiging happy ang mga chikiting dahil may burger ka na! may laruan ka pa! san ka pa?! Kaya naman naglunsad rin ang Jollibee ng kanilang jolly kiddie meal at ginamit rin nilang slogan ang JolliBee Happy para mapanatili nila ang pagiging Happy ng kanilang numero unong kostumer, ang mga kabataan.
Nang lumipas na ang mga panahon na nakoKornihan kana sa kabataan era ay gusto mona kaagad tumanda dahil akala ang sa tingin mo cool ang pagiging matanda kaya nga nung nagbinata/dalaga kana sinubukan mong gawin ung mga bagay na sa tingin mo magiging masaya ka katulad ng sugal, beerhouse, drugs at kung anu-ano pa. May kakilala nga ako eh lampas na sya sa teenage years pero suki sya ng Happy Sauna dyan sa E. Rodriguez. Wag kayong makulet hindi ako yun. Happy daw sya dun eh pero pagkatapos ng panandailang kaligayahan hindi na daw happy ang bulsa nya. Ano kaya talaga ang hinahanap nya para masabi nyang happy sya?
Nung nakaraang May 2010 election ay ginamit ni Senador Juan Ponce Enrile ang slogan na "Gusto ko happy ka!" marahil nakatulong ito sa kanyang pagka-panalo para makakuha ng higit na 15milyong boto at mapanati ang kanyang pagkapangulo ng senado pero ung 15milyong tao na un happy kaya sila ngayon? hindi natin sila matatanong, ang dami kaya nila.
Kung ikaw ang tatanungin ko ngayon sa mga nangyayari sa buhay mo, Happy ka ba? Sa tingin mo ano yung mga ginagawa mo para sa sarili mo at sa mga mahal mo sa buhay para maging happy sila? May mga ibang tao na masasabi natin na buti pa sila "jackpot!" gwapo, mayaman, maganda ang kotse at higit sa lahat maraming chicks (parang si ano...). hehehe! Pero sa sigurado ba tayong masaya sila? Anu ba talaga ang tunay na kahulugan ng kaligayahan? Meron ba tayong formula na katulad nito para masukat na natin ang kaligayahan natin sa buhay?: “faith 20% + health 20% + career 20% + friends and family 20% + love life 20% = 100% Happy?”. Kakayanin ba nating magsakripisyo para sa kaligayahan ng iba? Sa tingin ko wala pang tao na nakakuha ng 100% na yan dahil maari siguro tayong makakuha ng mataas na score tulad ng 95% pero may maliit parin na porsyentong natitira para lalo pa tayong magsumikap sa buhay at ibahagi sa ibang tao ang maliit na porsyentong natitira.